Wednesday, February 3, 2010

My First Multisport : SWAC 4 and some personal thoughts.

Sheer Will Aquathlon Cup that is. A multisport. Yeah, simula nung nag decide ako tumakbo, sino magaakala na eventually matatry ko din ang paglangoy at pagtakbo. Kala ko nung madali, mahirap din pala lalo na yung pakiramdam ng pagtakbo pagkatapos mong umahon sa tubig. Mabigat, para kang may pasang isang kabang bigas. Buti na lang 3 km lang yung takbo kasi sa "Lite" division lang naman ako sumali.

Bago yung araw ng event na to, isang beses lang ako nakapagpractice lumangoy sa army pool. Pero mejo mapansin ko na din na malakas na rin kahit papano yung stamina ko. Ang laking tulong nung running talaga. Ayun awa ng May Kapal, naka 3rd place pa ko sa SWAC 4. Chamba! :D Ang galing mag organize ni sir Rico e. Astig din yung mga volunteers. Astig din yung mga sumali. Astig kami lahat. hehe.





Photos courtesy of takbo.ph.


Biruin mo yun, kaya ko rin pala. :) Sabi nga sa tagline ng Milo. Great thing starts from small beginning. Doon din naman ako nagsimula e, sa wala, then nagkaroon ng konti, sinubukan kong pagibayuhin at eto na mejo naglevel up nanaman ako. Nakakatuwa. Nakakahumble din ang experience. Sa darating na Linggo, tatakbo ako ng 21km sa Condura. Who would've though that someday makakaabot din ako sa ganito kalayo. Exciting. Malamang nyan balang araw makakatakbp din ako ng Full Marathon. 42 km baby! They said that it's a life changing experience. I have to find that out for myself. If there's one thing to expect though, it's the fact that it'll make me confident to face any challenges in life.

Mejo dumami na rin ang mga kaibigan ko from the takbo.ph group. Masaya kasi silang kasama e. Nakakainspire sila. Iba't ibang tao. Iba't ibang pangarap. Iba't ibang lakad ng buhay. Pinagisa ng pagtakbo. Astig diba? Anlakas. Nagpapasalamat ako sa grupo na to kase natulungan din nila akong ilabas yung kakayanan ko. At 'sa pa, they're a good group. Healthy living. May pagka pareparehas ng trip. Yung iba kasi pagtatawanan ka sa simula pag nag healthy living ka. Plastic daw. Saglit lang daw. Sus. Eto nga marami na rin naeengganyo e. Tuloy tuloy lang kami kasi. Determinado. Desidido. Ayun, sa mga ka-team ko lang sa trabaho, marami na rin ang naenganyong tumakbo or mamuhay ng masigla. Masaya nga yun e. Sino bang gusto magkasakit. Malamang wala. Hassle yun e.

Naniniwala ako, malayo pa mararating ko sa pagtakbo, mejo naiba man yung mga una kong plano. At least, andun pa din ako sa parehas na lugar. Tumatakbo pa din. Sa susunod makikita nyo, magiiba na rin ang anyo ko. Hindi naman magmumukang unggoy hahaha. Pero papayat na rin ako. :) Ibabalik ko yung bigat ko noon, pero this time, may konting bangas. :)

So help me God. :)

Sid

4 comments:

  1. Nice post, Sid! It was a pleasure meeting you sa SWAC. See ya!

    -Cess

    ReplyDelete
  2. Thanks Cess and Julie :) Wow may nagcomment sa blog ko! hahaha

    ReplyDelete
  3. Hey now ko lang nabasa ito Sid, Congrats!

    ReplyDelete